Pangako
Sana'y ako'y maging sapat sa'yo
Wala mang yaman na mai-alay
Kundi ang pagmamahal na banayad at tunay
Pag-ibig na puro at walang halong biro
Kung ika'y lilisan man
Sa ikabuturan ng puso ika'y mananatili
Nag-iisang mahal sa hilirang lipi
Panahon ma'y lumipas
Ala-ala mo sa puso't isipa'y di kukupas
Pangako mo rin sa akin
Na kung ako'y lilipas din
Sa puso mo'y huwag sana akong kumupas
Na waring nawalan ng init na sopas
Sa kasalukuyan puso nati'y nag-aalab
Sana'y di magwakas sa mga darating na bukas
Pagkat lungkot ko'y abot langit
Kung magwakas itong pag-ibig na kay higpit
Pangako ko'y di ako susuko
Sa ano mang hamon na kapalaran
Hanggat kasama kita sa tuwina
Malalampasan kahit anong unos at bagyo man
No comments:
Post a Comment
Note: only a member of this blog may post a comment.