Monday, 9 July 2012

Prinsesa

Bawat patak ng oras
Sa isipan ko'y ika'y naglalaro
Na parang trumpo na walang katapusang umiikot
Minsan tahimik pero kadalasa'y malikot
Nagbibigay ngiti sa mukha
Binubusog ang puso
Ng masasayang ala-ala
Kaya antok ko ngayo'y di nakagala

Gusto kong iguhit ang bukas
Na kasama ka
Tatahakin natin ang landas
Patungong kawalan na tawong dalawa
Doon ika'y pagsilbihan
Ng walang pag-iimbot
Aking Prinsesa, "Karangalan kong pagsilbihan ka!"

Noon pangarap ko'y payak
Ngayong nandito ka,
Kahit suntok sa buwan
Di magdadalawang-isip ako'y tatahak

Kung panaginip man ito
Sana'y wag na akong magising
Langit ang nararamdaman ko
Simula't sapul tayo'y nagtagpo

No comments:

Post a Comment

Note: only a member of this blog may post a comment.